Archive | Education RSS feed for this section

UP naming napakaMAHAL

10 Nov

The cost of UP education

Iskolar ng Bayan. That’s what UP students and students from other State Colleges and Universities are called. But with the P1.39B budget cut for UP, where would the administration get the funds needed to run the university? Another tuition and other fees increase (TOFI) is dreaded. The current fees are already outrageous which is 3 times more of what we paid before the 2007, what more if there’s another TOFI?

Are we just going to sit around and let the AbNoy administration trample on our rights to access quality and affordable education? It’s time to STRIKE! #education4all

Saksi ng transisyon

17 Jun

Kung nagsisimula sa 2004 ang student number mo sa Unibersidad ng Pilipinas, marahil ay naging saksi ka sa transisyon ng UP, mula sa pagtaas ng mga bayarin hanggang sa pag-iba ng kultura nito.

Dahil nga napadaan ako sa UP kahapon, parang bigla akong naging nostalgic nang makita kong nagkakatuwaan ang mga freshies sa pagpili ng mga opisyal ng batch nila. Parang bigla kong na-miss ang college days at ang UP mismo.

Courtesy of Narod Eco's photos

 

Nakaugalian na ito sa UP (Tacloban) na pinapangunahan ng Konseho ng Mag-aaral (Student Council) ang pinakaunang paghalal ng mga bagong salta sa UP sa kanilang mga opisyal. Crucial din ang unang asembliya ng mga freshies dahil dito nila pinipili ang magiging pangalan ng batch nila na maglalarawan sa katangian ng kanilang batch na dadalhin nila hanggang sila ay magtapos.

Harangdon (ata kasi yun ang nakita kong nakasulat sa board) ang pinili ng mga freshies na pangalan ng kanilang batch. Waray-waray ito para sa “tinitingala”. Dahil dito, naisip ko na pati pagpili ng pangalan ay mukhang apektado na ng pagbago ng kultura ng UP. Malamang nga ay nasimulan ito ng batch namin na Banggi-itan ang tinawag sa mga sarili namin na ibig sabihin ay “magaling”. Mukhang napapadalas na ang magyabang sa pamamagitan ng pangalan ng batch katulad ng Banggi-itan (magaling) ng 2004, Maanyag (maganda, bright) ng 2006 at Harangdon (tinitingala) ng 2010. Pero sana naman ay hindi ito maging trend.

(more…)

Pagbalik tanaw sa ilang alaala ng pagkilos sa hanay ng KABATAAN

29 Mar

YS (youth and students/youth sector). Kilalang tawag sa mga aktibistang kumikilos sa hanay ng kabataang estudyante. Kung hindi ka pa lumampas sa edad na 35 ay swak na swak ka pa rin para maging YS. Sa kabilang banda, yung mga hindi kumikilos o dating kumilos sa hanay ng kabataang estudyante ay pwede pa rin namang tawaging YS…Youth Sadto…dialect term ng “dating youth.”

Napapabilang pa naman ako sa hanay ng kabataan dahil sa edad ko. Pero kung nag uusap-usap ang mga aktibistang mula sa iba’t ibang sektor ay madalas na ginagamit ang terminong YS upang matukoy kung sino ang kasalukuyang kumikilos sa hanay ng kabataan.

Ilang buwan na lang ang bibilangin at eksaktong tatlong taon na nang ako’y opisyal na naging “youth sadto” nang kumilos ako bilang isang human rights defender matapos ang halalan noong 2007. Pero kahit tatlong taon na ang nakakalipas ay YS at heart pa rin naman ako.

Marami akong alaala, natutunan at siyempre meron ding frustrations bilang YS. Isa sa mga pinakamahalagang bagay na natutunan ko bilang YS ay ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at ang mahigpit na pakikiisa ng sektor ng kabataan sa batayang sektor ng ating lipunan.

Ang kabataan na bumubuo ng kalahati ng ating populasyon ay isang mahalagang pwersa, hindi lamang dahil sa ating bilang kundi dahil sa ating mga likas na katangian. Sa kabuuan, tayong kabataan ay maliksi, matapang, malikhain, bukas sa mga bagong ideya, mabilis kumilos at marami pang iba na hindi na kaya abutin ng aking bokabularyo. Ang mga katangiang ito ay mahalaga upang mapasigla ang kilusang pagpapalaya at pagbabago dito sa ating bansa.

Dahil nga dapat ay mahigpit tayong nakikiisa sa  batayang sektor ng lipunan, mahalaga rin na aralin natin kung papaano ba nagkakaugnay-ugnay ang mga isyu ng kabataang estudyante katulad ng tuition and other fees increase at campus repression sa mga isyu ng mga manggagawa katulad ng mababang pasahod at kontraktwalisasyon;  sa isyu ng mga magsasaka katulad ng kawalan ng lupa at suportang serbisyo at marami pang mga isyu ng iba’t ibang sektor at ng buong lipunan.  Mapapaikli naman ang mga isyung ito sa tatlong batayang problema ng bansa na siyang pinag-uugatan ng lahat ng kahirapan: pyudalismo, imperyalismo at burukrata kapitalismo. Pero gaano ko man kagusto na isa-isang ipaliwanag sa blog na ito kung papaano nagkakaugnay-ugnay ang lahat ng mga usaping ito ay hindi ko kakayanin dahil sa limitasyon sa oras at kakayahan kong magsulat. Kaya para sa pagpapalalim hinggil sa mga usaping ito ay maaari namang sumali sa mga diskusyon at edukasyon sa pinakamalapit na erya ninyo. =)

Ang punto ko lang naman ay gustong kong ipaalala kahit kelan ay hindi maaaring magkaroon ng sariling kilusan ang kabataang estudyante na hindi nakaugnay sa pangkalahatang isyu ng lipunan at kahit kelan ay hindi tunay na maipapanalo ng kabataang estudyante ang ating mga isinusulong kung hindi rin ito nakaugnay sa isinusulong ng iba pang sektor ng lipunan. Kaya nga mahalagang tayong kabataan ay dapat na matuto rin mula sa mga manggagawa, magsasaka, mga kawani, mga maralitang taga-lunsod at iba pa upang malaman natin kung ano ba ang totoong mukha ng ating bansa sa labas ng ating mga silid-aralan.

Dahil sa maraming isyu ng lipunan, hindi maiiwasan ang pagsulputan ng maraming organisasyon at indibidwal na nagpapahayag ng kanilang pakikipagkaisa sa mga mahihirap at umano’y pagtulong. Pero dapat din nating malaman na ang mga tao’t organisasyong tunay na nagsusulong ng interes ng kabataang estudyante at ng sambayanang Pilipino sa kabuuan ay nasasalamin sa pamamagitan ng linya’t panawagang dinadala nito.

Halimbawa na lamang noong kasagsagan ng pakikibaka upang mapigilan ang 300% pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa UP noong 2006, nagkaroon ng konsultasyon o mas tama sigurong isulat na pinagsalita ni Pres. Emerlinda Roman at ilang miyembro ng BOR ang mga estudyante ng UP Tacloban at UPM SHS sa isang forum matapos ang pagpupulong ng BOR sa Palo noong Oktubre (ata yun) 2006. Maraming estudyante ang nagpahayag ng pagtutol sa TOFI lalo na yung may mga kapatid na papasok sa UP na matatamaan ng TOFI. Isang nakakagulat na counter proposal naman mula sa isang “lider-estudyante” ang nagpapanting sa tenga ko.

Akalain mong sinabi niyang (not his exact words pero sa ganitong konteksto) “naiintindihan namin ang pangangailangan ng UP dahil sa kakulangan ng badyet nito, kahit hindi apektado ang mga upper class ng TOFI ay masyadong mabigat ang 300% na increase para sa mga darating na freshies, so why not share the burden with us para fair? Paghati-hatiin ang halaga sa lahat ng year level ang increase para hindi gaano kalaki ang itataas ng matrikula?”

Naalala ko rin na nung dalawang taong magkasunod na may naaksidenteng mag-aaral na naglalaro habang  sportsfest sa UP at walang gaanong naitulong ang administrasyon ng UP Tacloban sa pagpapagamot ng mga naaksidente ay may lumabas na suhestyon na kumuha ng insurance ang mga estudyante katulad ng nakasanayan ng ibang unibersidad at institusyon. Isinulong ito ng ilang “lider-estudyante” para daw ay maiwasan ang ganoong pangyayari na kung may maaksidenteng muli ay hindi na magkakaproblema sa pagpapaospital. Ikokonsulta naman umano ito sa mga mag-aaral bago ipatupad. Ibig sabihin ay karagdagang bayarin para sa mga estudyante na kapwa estudyante pa mismo ang nagsusulong.

Ang basic lang naman diyan ay government responsibility. Kapag tinutupad ng gobyerno ang kanyang tungkulin na magbigay ng de-kalidad at libreng edukasyon sa kabataan at libreng serbisyo medikal, e di sana ay walang TOFI at walang problema sa pagpagamot ng mga naaaksidente sa loob ng unibersidad. Mali rin namang sabihin na hindi dapat iasa sa gobyerno ang mga ganito dahil yun nga ang responsibilidad ng gobyerno, ang magbigay ng serbisyo at isaalang-alang ang kapakanan at interes ng sambayanan.

Ilan lang yan sa mga tahasang kontra-estudyanteng linya ng mga mapagpanggap na “lider-estudyante” na personal kong nakasalubong bilang YS. Mas marami pa ang mga kontra-estudyante at elitistang linya na narinig ko noong apat na beses akong nakadalo ng mga makasaysayang GASC (General Assembly of Student Councils) noong 2005 at 2006, nung si Ken Ramos ng UP Manila pa ang Student Regent at nang mapili si Raffy Jones Sanchez ng UP Cebu bilang Student Regent. Doon ko muling napatunayan kung gaano na talaga kabulok ang sistema ng edukasyon at lipunan kaya’t mga bulok na rin ang isipan ng ilang mga mag-aaral na katulad nila.

Minsan nga ay hindi ko maintindihan kung bakit may mga estudyante na ganoon ang pag-iisip. Pero siyempre nangingibabaw pa rin ang pag-unawa at tamang pagsusuri. Sila ay mga produkto lamang ng bulok na sistema ng edukasyon at lipunan. Maging ang mga mulat ma’y hindi rin ligtas sa ganitong klaseng pag-iisip hanggang umiiral ang kasalukuyang sistema at hindi tayo nagiging mapagbantay sa ating mga inaaral at isinasapraktika.

Ngayong nalalapit na halalan, malaking ayat sa kabataang estudyante ang maipanalo ang nag-iisang partido nito, ang KABATAAN PARTYLIST, upang mas mapalawak pa ang larangan ng ating pagkilos at pakikibaka sa pagsusulong ng tunay na interes ng kabataan at sambayanang Pilipino sa kabuuan.

Kailangan ay mas magpursige tayo upang maipanalo ang ating tatlong kinatawan na sila Mong, Mark at Katkat na siyang magdadala ng ating mga hinaing at programa sa loob ng Kongreso katulad ng pagsusulong sa isang makamasa, makabayan at siyentipikong sistema ng edukasyon. Siyempre walang kwenta ang mga mapapaupo natin sa Kongreso kung walang kasabay na mga pagkilos sa labas. Kaya dapat ay ipagpatuloy natin ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa malawak na sektor ng kabataan.

Ngayon na ang panahon upang ikaw ay makialam, lumahok at maging kasangkapan para sa pagbabago.

Sabi pa nga ng isang kasabihan na paborito ng marami: Kung hindi ngayon, kelan? Kung hindi ikaw, sino? ###

Justifiable actions

27 Mar

Yesterday, while I was browsing my facebook account, online news and blogs, a friend’s chat message popped out asking if what I thought about the anti-TOFI rally in PUP last March 24. Although I wasn’t there, I’ve been following the protest actions in UP and PUP ever since the controversial burning of chairs that has been subjected to a lot of discussions and comments especially in facebook. My friend and I exchanged a lot of messages, trying to explain the actions of the students from UP and PUP. I quoted a lot of status and comments from facebook to help him understand more. Before he logged out, he thanked me for clarifying the issue. I’m just hoping that he really was clarified.

After the controversial “violent” and “radical” rally in UP Diliman, PUP and the CHED’s office (where students from the two universities met), I read some posts of the account and views on what happened during those rallies like Anton Dulce, Floyd Tiongson and Danny Arao‘s posts. I also read posts against the paint bombs, burning of chairs, destroying CHED’s gate, and other actions tagged as violent. After reading all of those posts, I was further resolved of the form of mass action the UP and PUP protesters resorted to.

History has taught us that mere dialogues, petitions and other similar actions are empty without the support and mobilization of the sectors concerned backed up with enough pressure from them to win a certain struggle. History also taught us that when these actions have been continuously ignored and tyrannical rule insist on its ways, what students did in UP and PUP, how “violent” and “barbaric” it may be, is always an option.

The attempt to railroad the approval of P.E. fees and other fees increase in UP and the proposal to increase PUP’s tuition that was blocked because of the protests is just a tactical victory, but a victory nonetheless which is a result of the mass actions. If it weren’t for the protests, I wonder what happened to those proposals.

After the tactical gains, the PUP and UP protesters (even the non protesters) should be more vigilant. The fight doesn’t end there. Given with our experience of promises from powers-that-be, CHED Chairman Angeles’ promise not to allow any increase in fees is not a guarantee.

But what happens if he doesn’t fulfill his promise? If another the PE and other fees increase will be railroaded by the BOR? Will it end up with another “violent” and “radical” mass actions? What other options do the students have?

No wonder a lot of our fellow Filipinos choose a higher form of struggle.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,105 other followers