Malas, kapalaran o maling desisyon?

Minsan sa isang punto ng buhay mo, maraming mali ang nangyayari. Yung mga tipong panahon na wala kang pera kaya walang pang-load, pambili ng gusto mong pagkain, pambili ng kailangan mong gamit, o kaya dahil naloko ka o kaya naman ay sadyang wala ka talagang trabaho na magbibigay ng kita. May iba na kahit anong pilit upang maging matagumpay sa ginagawa nila at laging may mali kaya hindi magtagumpay ay iniisip na malas lang talaga sila o kaya ay kapalaran na nila na hanggang doon lang sila o ganoon ang nangyari sa kanila.

Madalas nating marinig ang mga katagang “ang malas ko talaga” o kaya naman “ganoon talaga ang buhay, parang gulong, minsan nasa itaas, minsan nasa baba.” Parang normal na lang na isipin na kapag nagtagumpay ang isang tao o hindi ay dahil kapalaran na niya ito.

Ano kaya iisipin mo kung sabihin kong malas na lang ng mga taga UP 2007 ang student number at hindi na nakaabot sa mas murang bayarin.

E yung laging sinasabi na kapalaran na talaga ng mga magsasaka at iba pang mahihirap na manatiling mahirap?

Paano kaya kung sabihin ko na malas lang talaga yung mga intsik na nagbakasyon sa Pilipinas at sila ang natiyempuhan ni Mendoza at naging biktima ng hostage taking?

Kung rational na tao ka, maasar ka kung ganito ang pag-iisip ng ibang tao tungkol sa kalagayan natin: na nakabase lang ito sa malas, swerte o kapalaran. Pero minsan hindi maiwasan na nasasabi natin ito. Maging ako man ay aminadong nasasabi ko rin minsan na “ang swerte/malas mo/ko.”

Hindi rin naman natin masisisi ang marami kung umaasa sa kapalaran o naniniwala sa malas/swerte dahil nakaugat na ito sa kultura natin. Pinalaki tayong naniniwala sa kapalaran, na ito’y nakalaan na para sa atin bago pa man tayo ipanganak.

Pero kung susuriing mabuti, malamang ang “kamalasan” na nararanasan mo ay base lamang sa mga maling desisyon na nagawa mo. Malas ka dahil natanggal ka sa trabaho? Ano bang ginawa mo para masibak ka sa trabaho? E kung wala naman at maganda naman ang performance mo, baka naman ay may mga matataas na opisyal ng bansa na nagpapatupad ng mga palisiya o sistema na naglagay sa’yo sa ganyang kalagayan.

Kaya kung gusto mong mag magktol dahil “malas” ka sa buhay. Ang kailangan lang ay tanungin mo ang sarili mo, anong desisyon ba ang ginawa mo para umabot ka sa ganyang sitwasyon, kung wala namang mali sa mga naging desisyon mo, aba’y kailangang hukayin mo pa ng mas malalim ang ang mga dahilan.

Nasa ating mga kamay ang tamang desisyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s