Sa Iyong Paglisan*

urn

Malamig
Makulimlim
Maging ang langit nakikidalamhati
Sa mga pusong nangungulila
Sa mga ulilang naghihinagpis

Mga pagkukulang na pilit pinunan
Malayo ma’y pilit na pinaglapit
Ang magkakahiwalay, pilit na binuo
Mga lamat, pilit na kinumpuni

Sa mga ngiting namutawi sa mga labi
Sa kabila ng walang katapusang paghihirap
Sa mga payong tumagos, humubog sa paninindigan
Sa pag-aruga at pagmamahal
Salamat, hindi man ito nasabi

Ngayong tuluyan nang namahinga
Hindi man nakita ang katuparan ng iyong mga pangarap
Tiyak namang ipagpapatuloy
Ang pagtangan sa armas na matagal nang binitawan
Upang maisakatuparan ang pagpanday sa lipunan
Na minsan mo ring hinangad

*Alay sa amang pumanaw dahil sa kanser noong July 1, 2012.

July 2, 2012
Iloilo City

(Hindi po ako makata, bow.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s