Labanan sa San Juan del Monte

Sinulat para sa Pinaglabanan: Mga Kuwento, Aral at Hinaharap ng Pakikibaka (2012)

Gabi pa lamang ng Agosto 29, 1896, bitbit ang kanilang mga gulok, sibat na gawa sa kawayan at kaunting likhang kamay na mga baril ay nagsimula nang magmartsa ang dalawang grupo ng mga Katipunero papuntang San Juan del Monte. Ang isang grupo na nagmula sa Mandaluyong ay pinamunuan ni Andres Bonifacio habang ang nagmula naman sa Sta. Mesa ay pinamunuan ni Sancho Valenzuela.

Makikita sa San Juan del Monte (lungsod ng San Juan na ngayon) ang El Polvorin o imbakan ng mga pulbura at mayroon din itong imbakan ng tubig na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa iba’t ibang lugar ng Maynila. Sa kasalukuyan, nakatayo ang Dambana ng Pinaglabanan sa ibabaw ng lumang imbakan ng tubig.

Hatinggabi nang dumating sila sa San Juan del Monte at sinimulang kubkubin ang garison ng mga Kastila. Madaling araw ng Agosto 30 nang sinimulan nila ang pag-atake. Hawak ng mga Katipunero ang bilang nang magsimula ang labanan ngunit dahil atrasado ang mga gamit at kulang sa karanasan sa pakikidigma ay umabot sa mahigit isang daan ang katipunerong napatay samantala ay kakaunti lamang sa panig ng mga Kastila. Aabot din sa 200 ang nabihag ng mga Kastila.

Ang labanan sa San Juan del Monte ay isa lamang sa maraming talong labanan ng mga Katipunero ngunit imbes ikahina ng loob, nagsilbi pa itong inspirasyon upang magpursige upang maipanalo ang inilulunsad nilang rebolusyon upang mapalaya ang bansa sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Sa kabila ng maraming kabiguan sa labanan ay naipanalo ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan.

Ang Dambana ng Pinaglabanan na sa kasalukuyan ay nagpapaalaala ng Labanan sa San Juan del Monte, isang napakahalagang simbolo at inspirasyon upang matandaan natin na hindi makakamit ang tunay na kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop kung hindi nag-alsa ang mga Pilipino. Ito rin ang magpapaalala sa atin na makatarungan ang mag-alsa kung ito ay para sa kagalingan ng sambayanang Pilipino.###

Mula rito ang litrato

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s