Gobyerno, asan kayo?

Totoo, lahat naapektuhan ng bagyo, maraming nawalan ng bahay, kabuhayan at mahal sa buhay. Pero sa aftermath ng matinding kalamidad, ang pinakabulnerable ay yung mga pinakamahihirap.

Wala silang opsyon na pumuntang Maynila o sa iba pang lugar para pansamantalang doon tumira habang hindi pa naaayos ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar. Wala silang opsyon na hintaying magbukas ang mga tindahan para makabili na ng pagkain. Wala silang opsyon na mag-loan sa SSS, GSIS, Pag-ibig para muling makabangon.

Kaya sa panahon ng disaster, dapat ang binibigyang prayoridad ay yung mga pinakabulnerable. Dapat ang pangunahing nag-aabot ng tulong ay ang nanumpang papangalagaan ang kapakanan ng kanyang mamamayan, ang pamahalaan. Sa panahong wala nang kakayahan ang lokal na pamahalaan na tumugon sa agarang pangangailangan ng mamamayan, responsibilidad na ng pambansang pamahalaan na pangunahan ang immediate relief at early rehabilitation ng mga mamamayan.

Pero asan sila? Si Mar Roxas andun habang bumabagyo, handa ba sila? May nagawa ba agad isang araw pagkatapos ng bagyo? Si Dinky Soliman, andun din pero asan na ang mga relief goods? Nakakain na ba ang mga tao? Si Noynoy Aquino, pumunta rin, anong nagawa? Sinisi ang lokal na pamahalaan, inaway ang mga lokal na negosyante, nagdala ng kaunting tubig pero ano na kalagayan ng mga tao ngayon?

Dapat maintindihan kung bakit sinisingil ang pamahalaan dahil sila ang pangunahing may responsibilidad dito hindi lang pagkatapos ng bagyo kundi bago pa man mangyari ang mga disaster. Responsibilidad nilang ihanda ang mga tao hindi lang sa usapin ng pagbibigay ng babala na may bagyong darating kundi magpatupad ng komprehensibong plano para sa ‘disaster risk reduction’. Dapat mahusay na ginagawa ito dahil alam naman ng lahat na napaka-prone natin sa bagyo, lindol, tsunami, pagputok ng bulkan, landslide at kung anu-ano pang mga kalamidad. Ang pamahalaan ang may rekurso para gawin ito in a nation-wide scale.

Kaya dapat lang na singilin ang pamahalaan para umaksyon sila kaagad habang nagtutulungan tayong makaambag ng mga kaya nating maitulong.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s