What the government can and should do (ramblings on Typhoon Yolanda aftermath)

Hindi ako expert sa usapin ng disaster pero sentido kumon lang ang kailangan para maabutan ng tulong kaagad ang mga tao. Ano ba ang agarang maaaring gawin ng gobyerno?

1. hawanin ang lahat ng national at major roads para makapasok ang mga sasakyan na may dalang relief goods at mga teams na bumabyahe para tumulong. kung kulang ng heavy equipment ang local governments e di dapat magpadala ang national government, manghiram sa ibang LGUs kung kinakailangan.

2. tipunin ang mga tao sa isang evacuation site, per community dapat para madaling ma-account ang mga tao at organisado silang maabutan ng tulong at para kahit kaunti ay maramdaman nilang may gobyernong nangangalaga sa kanila. yung mga taon at lugar na na-aaccount ay ipost agad online para mapanatag ang loob ng mga pamilyang nasa ibang lugar at para hindi sila magpadalos-dalos na bumyahe sa mga sinalanta ng bagyo.

3. i-mobilize ang napakalaking rekurso ng gobyerno at ng private sector like transportation at communication para mabilis na maitransport ang mga goods, ma-evacuate ang mga taong nasa ‘dead zones’ at imobilize ang mga locals na may kakayahang magpaiwan para matulungang irebuild ang city.

4. utusan na ang mga may-ari ng groceries at iba pang may mga goods na orderly ay ipamigay na ang available pagkain nila dahil yun ang merong immediate resources tapos bayaran na lang ang may-ari ng mga tindahang ito kapag maayos na ang sitwasyon.

5. tukuyin ang mga areas na hindi pa naaaabutan ng tulong ng gobyerno para doon maihatid ang tulong ng mga NGOs at iba pang concerned na organizations.

o yan muna, kung gobyerno ka kayang-kayang gawin ang mga simpleng task na yan. ang gobyerno lang naman ang may kakayahang ipatupad ang mga ganito in a large scale. yung tulong ng mga NGO ay kaunti lang yan kung ikukumpara sa kayang gawin ng gobyerno. ibang usapin pa yung comprehensive plan kung paano makakabangon muli ang mga kababayan natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s